Naniniwala si Liberal Party (LP) senatorial bet Leila de Lima na kuwestiyonable ang desisyon ng Sandiganbayan nang payagan nitong makapagpiyansa si Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak sa P10-bilyon pork barrel scam
Ayon kay De Lima, wala pa siyang nakukuhang kopya ng dalawang desisyon ng Sandiganbayan na pumayag itong makapagpiyansa sina Napoles, dating Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete, at dating Apec Party-list Rep. Edgar Valdez, na pawang nahaharap sa plunder.
“But I was informed that the reason for the ruling might be that the court required Benhur (Luy) to match his records on the kickbacks the legislators received with the corresponding SARO released for their PDAF, and that the identified SAROs did not reach the threshold amount of P50 million,” ani De Lima.
Sinabi ni De Lima na nakaaalarma sa mga pulitiko, abogado at mga militanteng grupo na nagkaisang nagsabi na posibleng sensyales na ito na mapapawalang-sala si Napoles.
Sinabi ni De Lima na wala itong magiging epekto dahil sentensiyado pa rin si Napoles ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa serious illegal detention na isinampa ng pork scam whistleblower na si Benhur Luy.
Aniya, may mga impormasyon na nagdesisyon ang korte na peke ang lagda ni Lanete sa mga iprinisintang dokumento, gayung hindi pa naman daw nagbibigay ng testimoya ang dating gobernadora. - Leonel Abasola