Ni BELLA GAMOTEA

Asahan ng mga motorista ang big-time oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng energy sources, posibleng tumaas ng P1.55 ang kada litro ng diesel, habang P1.25 naman ang idadagdag sa gasolina.

Ang napipintong malaking dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pinangangambahan ng mga motorista na magiging simula na ito ng tuluy-tuloy na dagdag-presyo sa petrolyo, bagamat pinabulaanan naman ito ng Department of Energy (DoE).

Marso 29 nang nagtaas ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ng 40 sentimos sa kada litro ng gasolina, 20 sentimos sa diesel, at 10 sentimos sa kerosene.