Matapos ibunyag ng isang bagong pag-aaral na may malinaw na ebidensiya na nag-uugnay sa galaw ng mga planeta sa pagkaligalig ng orbit na lumilikha ng mga pagyanig sa mundo, interesado ngayon ang sangkatauhan na malaman kung kailan mangyayari ang susunod na malakas na lindol dahil may dalawang heliocentric planetary alignment ngayong Abril.
Noong Pebrero, iniulat ng The New Indian Express ang inihayag ng mga ekspertong Indian, sa pangunguna ni Jeganathan Chockalingam ng Birla Institute of Technology sa Mesra, ang listahan ng mga “earthquake-sensitive” na araw ngayong 2016, batay sa astrolohiya.
Inilathala sa International Journal of Advances in Remote Sensing, GIS and Geography ang pag-aaral sa ugnayan ng lindol at paggalaw ng mga planeta at naipakitang ang gravitational interaction ng malalaking planeta—gaya ng Jupiter, Saturn, Uranus, at Neptune—ay lumilikha ng invisible resultant gravity vectors (IRGV) na nagsisilbi bilang hindi nakikitang planetary force kapag tumatawid sa mga ito ang isang inner planet. Nakapagtatala ng malalakas na lindol tuwing tumatawid ang Earth sa IRGVs. May kaparehong resulta rin ang iba pang inner planetary crossings.
Sa unang bahagi ng buwang ito, naglabas ng video sa YouTube ang earthquake monitoring blog na Solar Watcher upang magbabala sa publiko tungkol sa posibilidad ng malalakas na lindol.
Inilabas ang video ilang araw bago ang magkasunod at parehong mapaminsalang lindol sa Japan nitong Huwebes ng gabi (magnitude 6.2) at Sabado ng madaling-araw (magnitude 7.3), at kahapon, niyanig naman ng 7-8-magnitude ang Ecuador.
“April 21-22 does feature significant celestial connectivity and important planetary geometry suggesting a strong seismic adjustment here on Earth. The simultaneous clustering of two planetary alignments pose a significant threat for shallow and damaging earthquakes as the Earth is involved in a two-way magnetic portal connection ‘tug of war’ of the plants,” saad sa video.
Kaugnay nito, nagbabala ng mas mataas sa magnitude 7 na lindol sa Abril 14-22 sa ilang lugar—kabilang ang Sea Of Okhotsk sa Western Pacific Ocean, San Juan, Argentina, Southern Italy, Kyrgyzstan, o Tajikistan — bilang “possible locations that may receive significant shaking from mid-April.” (Ces Dimalanta)