Ni MELL NAVARRO

Jaclyn JoseVERY proud si Jaclyn Jose sa pagkakapasok ng pelikula niyang Ma’Rosa (Mother Rosa) sa prestihiyosong Cannes Film Festival sa France ngayong 2016, directed by Brillante “Dante” Mendoza.

Doble-doble ang excitement ni Jaclyn dahil kapwa niya bida sa Ma’Rosa ang anak na si Andi Eigenmann. First time nilang magsama bilang mga bida sa isang pelikula, pang-Cannes pa. Kasama rin nila sa cast sina Julio Diaz, Felix Roco, at Jomari Angeles.

Unang nagkasama sina Jaclyn at Andi sa A Secret Affair ng Viva Films about two years ago, pero wala silang naging eksena together, dahil ang role ni Jaclyn ay ina ni Anne Curtis, at si Jackielou Blanco naman ang ina ni Andi.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya maituturing ni Jaclyn na first film niya with daughter Andi ang Ma’Rosa dahil pareho sila nasa lead role category.

“My first film with Andi,” sabi ng award-winning actress na labis-labis ang pasasalamat sa pagkakataon.

 

Excited nang rumampa si Jaclyn – kasama si Andi – sa Cannes Film Festival red carpet, at dream come true raw ito para sa PPL artist.

“It has been my dream to be with my daughter on a red carpet ride! Truly thankful!” dagdag nito.

Sa Mayo gaganapin ang Cannes, at sigurado na ang pagdalo nina Jaclyn, Andi, at Direk Dante upang i-represent ang Pilipinas sa main competition, kalaban ang pelikula mula sa iba’t ibang bansa.

Exciting ding abangan ang isusuot na gown nina Jaclyn at Andi, na kadalasan ay Filipiniana na terno, siyempre.

Unang nakatrabaho ni Jaclyn si Direk Dante sa Serbis with Coco Martin, at iyon din ang unang paglahok ng premyadong director sa Cannes noong 2008.

Naging nominado ang Serbis para sa Palme d’ Or (Golden Palm) for 2008, sinundan ng Kinatay na napagwagian ni Direk Dante ang Best Director for 2009.

Sumunod dito ang Taklub na binigyan naman ng ecumenical jury prize (special mention) noong 2015.

Pang-apat na pelikula ni Direk Dante ang Ma’Rosa sa Cannes filmfest at patuloy na ibinabandila ang husay at galing ng pelikulang Pilipino.