SANTIAGO (Reuters) – Binayo ng malalakas na ulan ang central Chile nitong weekend, iniwang patay ang isang tao, pito ang nawawala, habang milyun-milyong mamamayan ang walang inuming tubig dahil sa mga pagguho ng lupa at pag-apaw ng mga ilog. Isang babae ang namatay sa landslide sa San Jose de Maipo valley, ang bulubunduking rehiyon sa timog silangan ng kabiserang Santiago.

Sa kabuuan, 95 bahay ang nawasak at halos 80,000 mamamayan ang walang kuryente, sinabi ng Chile emergency office na Onemi.

Nitong nakalipas na apat na araw, nakaranas ang Santiago ng 3 pulgada ng ulan, halos limang beses kaysa karaniwang dami ng ulan sa buong buwan ng Abril, sinabi ni Cristobal Torres, meteorologist sa state meteorology service.

Sinuspinde ang klase sa maraming paaralan sa Santiago at mga katabing bayan nito na nalulubog sa baha sa pag-apaw ng Mapocho River.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina