ARJO AT COCO

Ni REGGEE BONOAN

ANG lakas ng dating ni Arjo Atayde ngayon at halos lahat ng nakakapanood ng FPJ’s Ang Probinsyano ay iisa ang sinasabi, “I hate Joaquin, ang sama-sama niyang tao.”

Pero hindi na sa TV lang visible si Arjo. Sa public utility buses, nakabalandra ang mukha niya bilang endorser ng Hammerheard clothing apparel at naglalakihan na rin ang billboards sa major roads sa Metro Manila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagkainteres na rin sa kanya ang Axe Black kaya kinuha siya bilang isa sa ambassadors nito at ini-launch kasama si DJ Nix Damn at ang fashion blogger na si David Guison.

Pawang kilala sa kani-kaniyang field ang tatlo, pero si Arjo na napapanood sa TV gabi-gabi, football player, at na-cover na sa magazines, ang pinakamatunog ang pangalan.

Sa Axe Black launching, ipinakita ng tatlong ambassadors sa pamamagitan ng kanilang booth ang mga interes nila, Katuwang ni Arjo ang kapatid na si Ria Atayde sa pag-iisip ng concept.

Bilang passionate football player, ipinakita ni Arjo sa kanyang booth ang mga paborito niyang gamit tulad ng mga sapatos, uniporme, baseball cap, at iba pa.

Magkakaroon ng botohan sa social media, na magtatapos sa Agosto 26, para mapili ang final endorser.

Samantala, kinunan ng reaksiyon si Arjo sa maraming pumupuri sa kanya bilang Joaquin, lalo na nang mag-breakdown siya sa tatay niyang si Tomas (Albert Martinez) na huwag patayin si Carmen (Bela Padilla). May ilang intrigera pa na nagsasabing muntik nang matabunan ni Joaquin si Cardo (Coco Martin).

“Ay, hindi po!” mabilis na paglilinaw ni Arjo. “Ako po ang tinuturuan ni Coco, I learned so much things from him and bago kami magkaeksena, it’s either nagtatawanan kami or we’re gonna do dynamics, like he said, ‘Arjo ganito, dapat ayusin natin ‘tong eksenang ito, angat-baba. I consider him as one of my mentors for this show, so I think that’s the opinion of people, but for me, I still look up to him as a mentor. Sobrang husay talagang magturo.

“He’s (Coco) been longer than me. He’s way-way sikat than me. For me, I’m just working of what I have right now. So far so good I’m enjoying now, he’s (Coco) teaching me, as I said, I consider him as my mentor. Obviously, he has such a creative mind na nakakatulong sa akin ng sobra-sobra.”

Tuwing makakatsikahan namin si Arjo, hindi matapus-tapos ang pasasalamat niya sa Dreamscape Entertainment sa tiwalang ibinigay sa kanya sa Ang Probinsyano. Ganoon din ang gratitude niya kay Coco. Kaya wala na siyang bukambibig kundi, “Ibang klase si Coco, sobrang generous sa lahat, hindi madamotm, lahat ‘sini-share niya. No wonder, he is loved by everybody.”

Samantala, no girlfriend policy ngayon si Arjo. In-impose niya ito sa sarili niya dahil, “Career po ang focus ko ngayon, paano ako makakapag-girlfriend, wala po akong time manligaw, everyday taping kami for Probinsyano, ‘pag may time itutulog ko na lang po or play football. So, saka na ang lovelife,” paliwanag ng aktor.