CARACAS (AFP) - Nagdeklara si Venezuelan President Nicolas Maduro ng holiday para bukas, Lunes, at nangakong babaguhin ang time zone ng bansa sa masalimuot na pagsisikap na maibsan ang matinding kakapusan sa kuryente.

Noong nakaraang linggo, binigyan ni Maduro ng pahina ang pampublikong sektor tuwing Biyernes, hanggang sa Hunyo 6, para makatipid sa kuryente sa harap ng napipintong krisis sa 18 hydroelectric dam ng bansa, na apektado ng matinding tagtuyot.

“I am declaring Monday April 18 a non-working day and there will be no educational activity either,” sinabi ni Maduro nitong Huwebes mula sa Miraflores presidential palace sa Caracas. Ayon sa kanya, lilikha ito ng “electricity-saving long weekend”.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina