Ai-Ai-Delas-Alas-11 copy

NAGTATAKA ang kasamahan naming kilalang beteranong manunulat kung bakit hindi raw nagtatagal ang mga TV show ni Ai Ai delas Alas.

Mula raw kasi nang mag-ober da bakod sa ibang network ay nakakadalawang TV show na si Ai Ai na agad ding nawala sa ere.

“Well, siyempre, nagtaka lang naman tayo. Sobra-sobra ang ginawang pag-welcome sa kanya ng Siyete. At kung ilang prescon pa ang ibinigay sa kanya at sa mga show niya, pero bakit tsugi agad?” nagtatakang banggit sa amin ng kausap namin.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Let The Love Begin ang unang show ni Ai Ai na hindi biru-biro ang mga nakasama niyang Kapuso stars, pero ilang buwan lang ang itinagal sa ere. Sumunod ang CelebriTV na ipinalit ng istasyon sa longest running showbiz talk show na Startalk na ayon sa usap-usapan sa showbiz circle ay hanggang May 7 na lang.

Isa sa madalas na dahilan kung bakit nawawala sa ere ang isang TV show ang mahinang ratings. Pero may natitira pa namang show si Ai Ai, ang Sunday Pinasaya na namamayagpag naman sa rating chart!

“Naku, hindi naman yata niya ikakatuwa nang husto ‘yun. Marami siyang kasamang mga sikat do’n at one more thing, blocktimer ang show at hindi station produced,” hirit pa ng beteranong manunulat.

“Sa totoo lang, sa palagay ko, eh, baka pagsisihan ni Ai Ai kung bakit iniwan niya ang ABS-CBN. Kung nakipagsundo na lang siya kay Kris Aquino, eh, baka siya pa ang inirekomenda nitong ipalit sa slot ng KrisTV,” sey pa ng aming beteranong katoto. (Jimi Escala)