MADRID (AFP) - May isa na namang nabiktima ang Panama Papers scandal, sa pagbibitiw ng industry minister ng Spain nitong Biyernes.

Sinabi ni Jose Manuel Soria na naghain siya ng resignation “in light of the succession of mistakes committed along the past few days, relating to my explanations over my business activities... and considering the obvious harm that this situation is doing to the Spanish government.”

Nagsimula ang problema ni Soria nang iulat nitong Abril 11 ng pahayagang El Confidencial, na mayroong access sa Panama Papers—ang milyun-milyong files na ipinuslit mula sa law firm na Mossack Fonseca—na siya ay administrator ng isang offshore firm noong 1992.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina