Ibinaba na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang red alert status sa supply ng kuryente sa Luzon grid.

Sinabi ni Randy Barnuevo, tagapagsalita ng NGCP Southern Luzon, na naibalik na sa normal ang operasyon ng ilan nilang planta na nag-shutdown nitong Biyernes.

Aniya, normal na ang supply ng kuryente sa mga transmission line.

Ngunit dahil sa matinding init ng panahon na nagiging dahilan upang bumaba ang level ng tubig sa mga hydropower plant, posible aniyang maulit ang pagtaas sa critical level ng power supply sa Luzon region.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Napag-alaman na nitong Biyernes ay nagbandera na ng red alert status sa supply ng kuryente sa Luzon grid na nagbibigay ng enerhiya mula sa reserba nito maging sa Visayas at Mindanao, at dahilan upang makaranas ng blackout ang ilang lugar sa bansa. (Jun Fabon)