Iniaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang libreng pag-aral ng lengguwahe ng ibang bansa.
Ayon kay Ms. Irene Isaac, TESDA director general, layunin nitong mabigyan ang ating kababayan ng advantage o mas magandang tsansa na makapasok sa trabaho.
“Graduates and workers with foreign language skills will have a better chance of getting hired or getting promoted.
Employees or applicants who have the extra communication skills will always have the edge,” pahayag ni Isaac.
Kabilang sa mga iniaalok na libreng foreign language education ay ang English, Nihongo (Japanese), Mandarin Chinese, Arabic at Spanish. (Mac Cabreros)