Abril 17, 1964 nang lumapag si Geraldine “Jerrie” Mock, tubong Newark, Ohio, matapos lumipad sa iba’t ibang panig ng mundo sakay sa kanyang Cessna 180 na tinawag na “Spirit of Columbus.”Si Mock ang unang babaeng piloto na nakalipad nang mag-isa sa buong daigdig, at huminto siya sa apat na lugar, sa Azores, Casablanca, Cairo, at Calcutta.

Tinagurian siyang “Flying Housewife”, at hinikayat niya ang mga tao na abutin ang kanilang mga pangarap.

Noong panahong iyon ay 38 taong gulang si Mock. Nalakbay niya angh 23,000 milya sa loob ng mahigit 29 na araw.

Nakasuot siya ng palda at blusa. Gayunman, nagkaroon siya ng problema sa radio transmission, sa preno, at sa pabagu-bagong panahon. Pinarangalan siya sa White House, ni noon ay United States President Lyndon B. Johnson.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nag-aral si Mock ng aeronautical engineering sa Ohio State University. Biniro siya ng kanyang mister na lumipad at libutin ang mundo.