Nanguna ang presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at ang katambal niyang si Senator Alan Peter Cayetano sa running election survey na isinagawa ng Sun.Star website na nakabase sa Cebu City.

Bukod sa mga presidentiable at vice presidentiable, mayroon ding running survey para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon sa Cebu, Davao at Cagayan de Oro City.

Sa huling tally ng Sunstar ay nangunguna si Duterte na may 17,907 boto o 76.33 porsiyento, at nakopo rin ng kanyang VP bet na si Cayetano ang Number One spot, sa nakuhang 52 porsiyento o 11,559 na boto.

Sa presidential race, pumangalawa si Liberal Party standard bearer Mar Roxas, na may 3,031 boto (12.92%); kasunod sina Sen. Miriam Defensor Santiago, 966 na boto (4.12%); Sen. Grace Poe , 917 boto (3.91%); at Vice President Jejomar Binay, 639 boto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sobra sa kalahating puntos ang lamang ni Cayetano sa iba pang VP bet, at pumangalaw si LP bet Rep. Leni Robredo na may 5,294 boto (23.84%); kasunod sina Sen. Bongbong Marcos, 4,192 boto (18.8%); Sen. Chiz Escudero, 626 na boto (2.82%); Sen. Antonio Trillanes IV, 338 boto (1.52%); at Sen. Gringo Honasan, na may 196 na boto (0.88%).

(Bella Gamotea)