Ryan at Dove copy

MAGKASINTAHANG pinagtagpo ni Mickey Mouse! Engaged na sina Dove Cameron at Ryan McCartan, na nagkakilala at nagkatrabaho sa Liv and Maddie ng Disney Channel.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni McCartan, 22, na inalok na niyang magpakasal si Cameron, 20, at sinabing:

“Dedicating my 1,000th post to my fiancée. I can’t believe I get to call you that. Thanks for saying yes,”

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Kinumpirma na rin ito ni Cameron sa social media kalakip ang kanilang litrato at sinabing: “Calling you my ‘boyfriend’ never really felt right anyway. fiancée looks better on you,” at nilagyan ng emoji na hugis singsing.

Lumabas ang balita matapos ilabas ng magkasintahan, kilala rin bilang mga pop star (The Girl at ang Dreamcatcher), ang lyric video ng kanilang bagong single na Someone You Like. Walang ibang lihim na dahilan kung bakit sila maagang magpapakasal.

Nagkakilala ang dalawa sa Liv and Maddie at inamin sa publiko na itinatangi nila ang isa’t isa noong Agosto 2013.

Gustung-gusto nilang pakiligin ang isa’t isa. Sa isang Q&A sa Twitter, tinanong si McCartan kung ano ang sekreto sa “epic song making.” Sinagot niya ito ng, “Write about someone you love.” 

Tinanong din siya tungkol sa kanilang unang date, na nagsimula sa dinner, na sinundan ng frozen yogurt, at nagtapos sa Hollywood Hills.

“We saw all the lights, the Hollywood sign, the Griffith Park Observatory, and it was so romantic,” ani McCartin.

“We were up there until 3 in the morning, just talking and looking at the lights. Then I took her home and it was the most perfect, most romantic first date ever.” 

Congratulations sa napakabata, at masayang magkasintahan. (Yahoo News/Celebrity)