Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na araw-araw na magdasal ng rosaryo hanggang sa araw ng halalan sa Mayo 9.

Sa kanyang pahayag nitong Biyernes, pinaalalahanan ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga mananampalataya tungkol sa kapangyarihan ng dasal, partikular ng pagro-rosaryo, para matiyak na magiging payapa, maayos at tapat ang eleksiyon sa bansa sa susunod na buwan.

“Pray all the mysteries of joy, light, sorrow and glory every day until May 9. Pray as a family. Pray while travelling. Pray in the offices or factories. Pray everywhere for our national elections,” ani Villegas.

“In my pastoral guidelines for the 2013 elections, I reminded you of the unique importance of prayer for national change. Our best contribution is to pray that the Lord of history guide every voter and guide every candidate,” aniya pa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“It is God who can enlighten our decisions. It is God who can thwart the plans of evil men and women to destroy social order. It is God who can give us the best leaders for the good of everyone,” sabi pa bi Villegas.

Kumpiyansa si Villegas na sa pamamagitan ng pagro-rosaryo ay mapipigilan ang kasamaan, karahasan, at pandaraya sa halalan, kasabay ng panawagan sa mga botante na maging matalino sa pagboto. (Mary Ann Santiago)