UNITED NATIONS (AP) – Sinagot ng siyam na kandidatong umaasinta para maging world’s top diplomat ang halos 800 katanungan nitong nakalipas na tatlong araw mula sa mga ambassador at advocacy group sa unang hakbang sa 70-taong kasaysayan ng United Nations na buksan ang dating malihim na pagpili ng susunod na secretary-general.

Sinabi ni General Assembly President Mogens Lykketoft, namuno sa question-and-answer sessions, na “very inspired” siya na bukod sa nakisali ang halos lahat ng 193 kasaping estado ng U.N., nanood rin sa bahagi ng webcast ang 227,000 katao mula sa 209 bansa at teritoryo.

“It has already made a difference,’’ aniya sa mamamahayag nitong Huwebes ng gabi. “We have established a new standard of transparency and inclusivity for the selection of the secretary-general.’’

Ang U.N. chief ay pinipili ng General Assembly sa rekomendasyon ng 15-miyembrong Security Council.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'