Kinontra si Senator Francis “Chiz” Escudero ang planong tanggalin sa lansangan ang mga lumang jeepney na 15 taon pataas dahil lubhang maaapektuhan nito ang kabuhayan ng daan-daang libong mamamayan na umaasa lang sa kita sa araw-araw na pamamasada.

Tinawag din ni Escudero na panggigipit sa mga driver ang planong i-phase out ang mga lumang jeepney na itinuturing na sagisag ng kulturang Pilipino at pinakakaraniwang pampublikong sasakyan sa bansa.

“Hindi masama ang luma basta tumatakbo. Hindi mali na matagal na basta maayos ang pagkakagawa at hindi rin naman dapat sigurong talikuran ang kultura at kasaysayan ng ating bansa na nakabalot sa sektor ng transportasyon,” giit ni Escudero.

Kamakailan ay nakipagpulong si Escudero sa mga lider ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO), isa sa pinakamalalaking transport group sa bansa. Sa nasabing pulong, inendorso ng grupo ang kandidatura ni Escudero at nangako ng suporta mula sa mahigit 400,000 miyembro nito.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

“Anumang picture tungkol sa Pilipinas, anumang advertisement tungkol sa bansa ay laging ipinagmamalaki ang jeep.

Ipinagmamalaki sa litrato pero ginigipit sa pang-araw-araw na pagtatrabaho. Ipinagmamalaki sa ibang bansa pero ginigipit ang pamamasada ng ating mga jeepney driver,” ani Escudero. (LEONEL ABASOLA)