Ipinagpasalamat ni coach Eric Gonzales ang tagumpay ng Phoenix sa pananampalataya at kakayahan ng mga player at sa gabay ng Panginoon.

“I intend to build,sabi ko sa kanila na maging act of worship itong larong to kay God.To give God the glory,give your best,” pahayag ni Gonzales.

Kinasiyahan ang pananampalataya ni Gonzales nang gapiin ng Phoenix ang Cafe France, 88-81, sa sudden death para makopo ang PBA D-League Aspirant Cup nitong Huwebes ng gabi, sa Ynares Stadium sa Pasig City.

“Play with all your heart, soul and strength, that’s all and you’ll have no regrets,” ayon kay Gonzales.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

At hindi naman binigo si Gonzales ng kanyang mga players, dahil sa gitna nang matinding hamon ng Bakers, hindi tumiklop ang Accelerators at sa pangunguna nina Mike Tolomia, Roger Pogoy at Mac Belo ay nagawang maipanalo ang koponan.

“Masaya kami kasi semi- pro na ito kumpara sa UAAP at saka nabigyan na rin namin ng championship si Ed ( Daquioag),” pahayag ni Belo.

Isa si Daquioag sa mga pangunahing manlalaro ng University of Santo Tomas na kanilang tinalo sa nakaraang kampeoato ng UAAP season.

Iskor:

Phoenix-FEU (88) - Belo 25, Tolomia 15, Jose 11, Ru. Escoto 10, Pogoy 9, Tamsi 8, Andrada 4, Mendoza 3, Daquioag 2, Ri. Escoto 1, Iñigo 0.

Cafe France (81) - Zamar 20, Ebondo 14, Manlangit 14, De Leon 11, Villahermosa 10, Abundo 4, Cruz 4, Jeruta 4, Arim 0, Casino 0.

Quarterscores:

14-13; 32-38; 56-62; 74-74; 88-81. (MARIVIC AWITAN)