Umapela si Partido Galing at Puso senatorial bet Samuel “Sir Tsip” Pagdilao sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Department of National Defense (DND) na makipag-ugnayan sa gobyerno ng ibang bansa, lalo na sa Southeast Asia, sa pagsugpo ng terorismo sa bansa.
Una itong inihayag ni Pagdilao bilang reaksiyon sa 10 oras na bakbakan sa Basilan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng Abu Sayyaf Group (ASG), na 18 sundalo ang napatay at 56 na iba pa ang nasugatan nitong Abril 9.
“Our country is an archipelago, and with the current state of our military, we cannot ensure the safety of Filipinos in four corners of the country,” sabi ni Pagdilao, kasalukuyang party-list congressman ng Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS).
“There is no wrong in asking for help, especially if it is temporary,” aniya.
Samantala, naghain din si Pagdilao ng resolusyon sa Kongreso upang pagkalooban ng funeral honors ang mga sundalo na napatay sa nasabing labanan. (Jun Fabon)