6mother-lily copy

DALAWANG beses na palang nag-meeting ang bagong pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF). May changes silang ginawa na hindi lamang mainstream movies ang ipalalabas, isasama na rin sa walong official entries ang indie films, kaya nagpahayag ng saloobin si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, ang isa sa maituturing nang haligi ng MMFF lalo’t may mga taon na nagsasali ng hindi lamang isa kundi dalawa o tatlong entry na na-approve ng screening committee.

Hindi approved kay Mother Lily ang mga pagbabagong naganap para sa darating na MMFF sa December.

“Let’s face it, the filmfest coincides with the Christmas season, so mas maraming families at mga bata ang manonood diyan kaya kailangan natin ng more commercial entries. Kung puro indie na pang-award ang entries, what do you think will happen? Isa pa, the biggest stars are with the big companies like Star, Viva and APT, so sila ang mas may chance sa box office. Kung award-winning movies nga ang entries but walang big stars, baka bumagsak sa takilya and the theater owners will complain and they’ll do everything para maibalik ang Christmas playdate sa Hollywood movies.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“No matter what you say, making movies is still mainly a business. They have to make money so producers can go on making more movies. Eh, ‘yung mga producer, hindi pinagtanggol ang rights nila sa filmfest committee.”

Bakit hindi siya maging bahagi ng executive committee?

“Eh, kasi, when I attended their first meeting and someone nominated me, Malou Santos of Star said, ‘ay huwag na si Mother, magulong kausap.’ Siyempre, my feelings were hurt, magulo pala akong kausap, di hindi na ako nag-attend uli ng meeting nila.”

Sa palagay namin, wala namang dapat baguhin sa mga naunang rules and regulations sa pagpili ng entries. Dapat lang siguro ay piliin ang mga taong uupo sa executive at screening committee, iyong marunong talaga sa itinatakbo ng industriya at hindi iyong kung sinu-sino lamang dahil may mga padrino at pawang pansariling interes lamang silang layunin.

Kung sabagay, may mababago pa siguro sa pamunuan dahil sa May 9 ay may bago nang ihahalal na presidente at siya naman ang mag-a-assign ng bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority. Or sana, ang i-assign ay iyon nang marunong talaga sa industriya at ang bagong chairman ng MMDA ay aasikasuhin na lamang ay ang lumalalang traffic sa Metro Manila. (Nora Calderon)