cast of Ma'Rosa_FOR MELL ITEM copy

MAGBABALIK sa France ang award-winning Filipino filmmaker na si Brillante “Dante” Mendoza sa Cannes Film Festival, dahil may bago siyang pelikulang nakapasok sa main competition ngayong taon.

Noong 2009, sumali si Mendoza sa prestihiyosong international film festival at nagwaging Best Director para sa kanyang pelikulang Kinatay. Simula noon, nakilala na si Direk Dante sa global cinema.

Sa 69th Festival de Cannes ngayong taon, pasok ang kanyang bagong obra na Ma’Rosa (Mother Rosa) para makipagpaligsahan sa mga pelikula mula iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nasa cast ng Ma’Rosa ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann kasama sina Julio Diaz, Felix Roco, at ang newcomer na si Jomari Angeles.

Mula sa screenplay ni Troy Espiritu, ang istorya ng pelikula, ayon sa press release ay, “…about a small community convenient store connected to their home in the slums of Metropolitan Manila.”

Pawang matitindi ang mga pelikulang makakalaban ng entry ng Pilipinas. Apat ang kalahok mula sa France na likha ng directors na sina Olivier Assayas, Nicole Garcia, Alain Guiraudie, at Bruno Dumont.

Tatlo naman ang mula sa USA: Jim Jarmusch, Jeff Nichols, at Sean Penn. Tigdalawa naman ang United Kingdom, mula kina Andrea Arnold at Ken Loach; at Romania – from Christian Mungiu at Cristi Puiu.

Tig-iisa naman ang entries ng mga sumusunod: Maren Ade (Germany), Pedro Almodovar (Spain), Jean-Pierre Dardenne at Luc Dardenne (Belgium), Xavier Dolan (Canada), Kleber Mendoza (Brazil), Park Chan-Wook (South Korea), Paul Verhoeven (Netherlands), Nicolas Winding Refn (Denmark).

Kasalukuyan nang naroroon sa France si Direk Brillante. Gaganapin ang nasabing festival sa May 11-22.

May Pinoy short film ding nakapasok sa Cannes Short Films in competition, ang Imago ni Direk Reymund Gutierrez na isa sa mga protégé ni Direk Dante.

Congratulations at Mabuhay! #PinoyPride!