Pormal nang inendorso ng Lakas ng Tao-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party ni dating pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang official candidate nito para sa pagka-bise presidente.

Ang pag-ampon kay Marcos bilang official vice presidential candidate ng Lakas-CMD ay isinailalim sa proseso sa official plenary session ng partido sa Manila Golf Club sa Makati City nitong Huwebes ng hapon, nakasaad sa pahayag ng partido.

Sinabi ni Atty. Raul Lambino, acting secretary general ng partido, na hahakot ang Lakas-CMD ng 3 milyong boto para kay Marcos.

“Malaking karangalan na ma-adopt ng inyong partido Lakas-CMD. I am deeply humbled by this show of support by one of the most vibrant parties,” pahayag naman ni Marcos. (Mario Casayuran)
Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars