Tatanggapin ng Commission on Elections (Comelec) ang donasyong thermal paper at marking pen ng Smartmatic-TIM.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Comelec Law Department na wala namang nilalabag na batas ang pagtanggap sa mga nasabing donasyon.

Gagamitin ang thermal paper sa pag-imprenta ng voter’s receipt habang ang marking pen ay gagamitin ng mga botante sa pagmamarka ng kanilang mga boto sa official ballot.

Sa apat na pahinang liham mula sa Law Department ng Comelec, nabatid na dalawang milyong marking pen ang ido-donate ng Smartmatic, na mula sa sobrang imbentaryo ng kumpanya noong halalan 2010. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji