Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong diplomat na manatiling walang kinikilingan o maging patas sa pulitika, at iwasang mangampanya para sa mga kandidato, partikular sa social media, dahil ito ay labag sa batas.

Ito ang ibinabala ni DFA Undersecretary, at chairman ng Overseas Voting Secretariat, Rafael Seguis batay sa isang memorandum na may petsang Abril 12 na inisyu sa mga Philippine Foreign Service posts, at sa mga opisyal at kawani sa Maynila para sa istriktong pagtalima sa pinag-isang sirkular ng Civil Service Commission (CSC) at Commission on Elections (Comelec) noong Marso 29, at hiwalay na resolusyon ng CSC na inilabas sa parehong petsa.

Beniberipika na ni Seguis kung may katotohanan ang kanyang natanggap na mga ulat tungkol sa ilang diplomat na sinasabing nakikibahagi sa mga aktibidad ng pulitika na isinasagawa ng mga partido, partikular sa social media.

Pinagbabawalan ang mga opisyal, kawani na makisama, direkta o hindi direkta, sa anumang aktibidad na may kinalaman sa pulitika upang mapanatili ang transparency at kredibilidad ng proseso sa halalan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

May katumbas na parusang isang buwan at isang araw na suspensiyon hanggang anim na buwan para sa unang paglabag habang pagkasibak naman sa serbisyo para sa mga lalabag sa ikalawang pagkakataon. (Bella Gamotea)