Mga laro Ngayon

(MOA Arena)

2 n.h. -- Ateneo vs. UP (m)

4 n.h. -- Ateneo vs.UP (w)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Target ng Ateneo na makubra ang “double victory” sa pagsalang ng kanilang men’s at women’s team sa Final Four ng UAAP Season 78 volleyball tournament ngayon, sa MOA Arena sa Pasay City.

Tangan ang “twice-to-beat” na bentahe sa krusyal stage ng torneo, haharapin ng Ateneo ang University of the Philippines sa tinaguriang “Battle of Katipunan”.

Kapwa nasilo ng Maroons at Lady Maroons ang No.4 spot sa Final Four.

Mauunang magharap ang Blue Eagles at Fighting Maroons ganap na 2:00 ng hapon bago magtapat ang Lady Eagles at ang Lady Maroons sa tampok na laban ganap na 4:00 ng hapon.

Pinapaboran ang Blue Eagles sa serye matapos talunin ng dalawang beses ang Maroons sa elimination round, gayundin ang katayuan ng Lady Eagles, sa kabila ng katotohahan na ang Lady Maroons ang isa sa nagbigay ng kabiguan sa Lady Eagles.

Hangad ng Ateneo, huling koponang nagwalis ng dalawang titulo sa volleyball kasunod ng De La Salle (Season 66) at University of Santo Tomas (Season 72) na maging unang koponan na makapagtala ng back- to- back double championship sa Final Four era.

Huling nakapagtala ng dalawang sunod na double championships ang University of Santo Tomas nang magkampeon kapwa ang kanilang men’s at women’s team noong Season 52 at 53 (1989-1990).

Inaasahang muling mangunguna para sa back-to-back seeking Blue Eagles at 3- peat seeking Lady Eagles ang reigning back-to-back MVP’s na sina Marck Espejo at Alyssa Valdez.

Nakapasok naman sa Final Four makalipas ang 13 taon, tatangkain ng Lady Maroons na burahin ang taglay na twice-to- beat advantage ng Lady Eagles at makapuwersa ng knockout match para sa target nilang Finals berth. (Marivic Awitan)