Naglunsad ng nationwide silent protest ang aabot sa 4,000 kawani ng Civil Aviation Authorities of the Philippines (CAAP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa umano’y planong pagbawi sa benepisyo na naipamahagi na sa kanila ng gobyerno.

Dakong 7:00 ng umaga kahapon nang magladlad ang mga airport employee ng malaking tarpaulin na may katagang “MAYDAY!

MAYDAY!” sa control tower ng NAIA upang makatawag ng pansin, hindi lamang sa mga piloto at crew ng mga eroplano, kundi maging sa mga pasahero.

Matapos ang halos tatlong oras, tinanggal din ng mga nagpoprotesta ang tarpaulin matapos pakiusapan ng mga airport official.

DFA, kinumpirmang iisa lang ang active passport ni Roque

“Please be informed that we are conducting nationwide activities, we don’t have the intention to disrupt air traffic movement as we bow to serve the flying public,” paghayag ni CAAP Control Tower Supervisor Marlene Singson.

“We do not have plan or make an attempt to take over the Manila Control facilities, we are just in silent protest,” dagdag niya.

Ito ay matapos ipag-utos ng Commission on Audit (CoA) ang pagkaltas ng P1 bilyon mula sa suweldo ng mga airport employee upang mabawi ang hindi awtorisadong bonus, dagdag-sahod at iba pang benepisyo na ipinagkaloob sa kanila simula 2012.

Nagbabala si Valiant Sucion, pangulo ng CAAP Employees Union, na posibleng mangibang-bansa na ang kanilang mga miyembro dahil sa panggigipit sa kanila ng gobyerno. (Ariel Fernandez)