NOVELETA, Cavite – Nasa 100 pamilya ang apektado ng isa at kalahating oras na sunog na pinaniniwalaang sanhi ng pumalyang kabit ng kuryente at tumupok sa may 60 bahay sa gilid ng kalsada malapit sa Technological Institute of the Philippines (TIP) Maritime Center sa Barangay San Rafael III sa bayang ito.

Sinabi nina Municipal Fire Marshal SFO3 Cesar G. Cuenca at arson investigator FO3 Ronaldo H. de los Reyes na walang nasawi o nasaktan sa sunog na nagsimula dakong 1:45 ng umaga nitong Miyerkules.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Aries Ronquillo David, 38, kusinero, at nirerentahan ng isang Brenda.

Sinabi ni De los Reyes na inaayudahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasunugan na tumutuloy ngayon sa Pacifico Elementary School. (Anthony Giron)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!