TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Natagpuang nakabigti sa ilalim ng isang puno ang bangkay ng isang 10-anyos na lalaki sa Barangay Nangalisan, Solana, Cagayan.

Sinabi ni Senior Insp. Roque Binayug, hepe ng Solana Police, na ang mismong mag-asawang umampon sa paslit ang nakadiskubre sa bangkay ng bata.

Inampon noong siya ay walong taong gulang, may sakit umano sa pag-iisip ang bata at pinaniniwalaang ito ang dahilan ng pagpapatiwakal nito, ayon kay Binayug. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog