RIYADH, Saudi Arabia (AP) – Sinabi ng Civil Defense ng Saudi Arabia na 18 katao na ang namatay sa malalakas na ulan at mga pagbaha sa buong bansa sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa pahayag ng rescue force nitong Huwebes, mahigit 26,000 panawagan para sa tulong sa iba’t ibang lugar sa bansa ang kanilang natanggap. May 915 katao ang nasagip at 858 sasakyan ang naipit sa baha.

Isinara ang mga paaralan sa kabiserang Riyadh at sa southwest region ng Asir dahil sa masamang panahon nitong Miyerkules. Binabaha rin ang mga rehiyon ng Mecc at Medina sa silangan at Jizan at Najran sa hilaga.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'