Abril 15, 1947 nang makapaglaro ang unang African-American na si Jackie Robinson sa main baseball league sa United States (US), ang una niyang laro para sa Brooklyn Dodgers. Mahigit 25,000 ang nanood sa Ebbets Field sa Brooklyn, New York.
Isinilang si Robinson sa Cairo, Georgia noong Enero 31, 1919, at nag-aral siya sa University of California-Los Angeles, na roon siya ay isang varsity player sa basketball, baseball, track and field, at football.
Dumanas si Robinson ng diskriminasyon mula sa kanilang mga kalaban at maging sa sarili niyang koponan sa unang season, ngunit hindi nagtagal ay ginawaran siya ng Rookie of the Year. Kinilala rin siyang Most Valuable Player ng National League noong 1949.