pacman copy

Kabilang sina Gilas Pilipinas mainstay Jason Castro at Terrence Romeo, gayundin si two-time PBA MVP James Yap sa mga atleta na nagbigay ng suporta at inendorso ang 1Pacman Party-list kung saa No. 1 nominee si Globalport owner Mikee Romero.

“Malaki kasi paniwala ko na maraming magagawa si Boss Mikee para sa sports, at yung pinaka-importante maraming kabataan ang matutulungan niya. Kung mananalo yung 1Pacman, malaking bagay hindi lang sa basketball, kundi sa buong sports,” pahayag ni Castro, miyembro ng PBL team na binuhay ni Romero sa amateur rank.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Sana yung mga fans namin hindi nila makalimutan ang adhikain ng 1Pacman Party-list,” aniya.

Iginiit naman ni Romeo, isa sa pinakasikat na basketball hunk sa kasalukuyan, na malaking puwang sa sports development ang matatakpan kung isang sportsman na tulad ni Romero ang mangunguna sa pagsulong nito sa Kongreso.

“Boss Mikee is not only a sportsman, he’s also a financial expert that’s why the Congress needs 1Pacman party-list,” sambit ni Romeo.

“Sports, edukasyon at trabaho, yan ang adhikain ng No. 1 nominee ng 1Pacman Party-list,” aniya.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Romeo na bahagi ng kanilang team building ang pakikisalamuha at pagtulong sa mga Aetas sa Zambales.

Isinusulong ni Romero ang pagbuo ng Department of Sports na aniya’y magbibigay ng matibay na pundasyon sa pagnanais ng Pinoy na maabot ang pagiging world-class at makamit ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympics.

“Sana mabigyan ang 1Pacman ng pagkakataon kasi tiwala akong malaking tulong siya sa sports. Kaya nga sinusuportahan ko ang 1Pacman,” pahayag ni Yap.

Kabilang din sa nagbigay ng kanilang suporta sina Gilas member Marc Pingris, Ginebra star LA Tenorio, at volleyball star Aby Marano.

Bukod kay Romero, nominado rin sa 1Pacman sina Eric Pineda, business manager ni Manny Pacquiao at Nick Enciso