Marco Masa and Dominic Ochoa copy

“I’M very blessed and thankful sa trabahong ‘binigay nila, hindi lang basta trabaho,” masayang sabi ni Dominic Ochoa sa presscon ng Super D, ang unang serye na pinagbibidahan niya na mapapanood na simula Abril 18, bago mag-TV Patrol.

Pagkalipas ng 20 years sa showbiz, ngayon lang naging bida si Dominic.

Hindi naman daw problema sa aktor kung lagi lang siyang supporting dahil ang mahalaga sa kanya hindi siya nawawalan ng trabaho.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Ako, I always like na ‘yung ginagawa kong work may aral na ipapamahagi sa mga manonood. Everyone’s saying to me nga, ‘Dom, ang tagal mo, we’re happy na ito na yung big break mo’.

“Alam mo, never na pumasok sa utak ko na itong My Super D, ako ang bida dito. Para lang isa itong role na ibinigay sa akin, it’s not about the things that are given to you. It’s your responsibility, whether it’s small or big, it’s a responsibility given to you. Whether magampanan ko siya o hindi, gagawin ko parati ang lahat ng hundred to hundred-fifty percent na makakayanan ko. It’s a big responsibility!” pahayag ng aktor.

Hindi siya namili ng role kailanman.

“Puwede tayong maging kontrabida, puwede tayong bida, puwedeng extra. Kahit ano, hindi naman tayo namimili, pasalamat pa rin sa Diyos. Siya naman ang nagbibigay ng mga ito.

“Sa amin, hindi rin naman kami naghahangad ng sobra-sobra. Sometimes kasi when you ask for something more, you become greedy. Ang importante, maging happy lang tayo sa buhay natin,” paliwanag ng aktor.

May payo si Dom sa mga baguhang artista na nais magtagal sa trabaho at hindi kairitahan ng mga katrabaho.

“’Yung sa akin, let’s just be professional with work. If this is your call time, come on time, be professional.

Minsan you have to speak out, too, you can’t just shut up. Pero you can say it in a nice way para hindi ka maka-offend ng ibang tao. Kasi sila rin ang makakatrabaho mo in the future, sila rin ang makikita mo, hindi mo maiiwasan, eh.

“Mayroon tayong makakasamaan ng loob, mayroon tayong masasabi. Pero sometimes we have to keep it to ourselves, wala namang kapupuntahan.”

Unless very close sila sa pagsasabihan nila.

“Ako, hindi naman ako plastic na tao, I’ll tell them straight kung ano ang gusto kong sabihin.”

Komporme si Dominic sa pahayag ng DOLE na gagawing 14 hours na lang ang oras ng trabaho sa tapings at shootings.

“Sana maipatupad ‘yun, sana ma-implement. Hindi lang naman ‘yun para sa aming mga artista. There’s also production side na need ito, mag-cost-cutting. Pero siyempre, hindi natin napapansin ‘yung kalagayan ng kalusugan, napapabayaan. Ang akin, hindi naman natin puwedeng sisihin ang trabaho sa nangyayari sa buhay natin.

“In a way, ‘yung maliliit na bagay, like puyat mo. ‘Pag puyat ka, you get hungry. When you’re hungry, you get to eat more. At the end of the day, when you eat something not good, na bawal, may epekto sa katawan mo ‘yun,” katwiran ng aktor.

Samantala, gagampanan ni Dominic ang isang mapagmahal na ama kay Marco Masa na unang nakilala bilang si Nathaniel.

Puring-puri ni Dom si Marco.

“Ang galing, saka mabait siya na bata, hindi siya mahirap katrabaho. Actually, kaya ko nagugustuhan rin ito kasi nagkataon na tatay din ako. Nakaka-relate din ako nang bongga.” (REGGEE BONOAN)