DIREK LINO LANG_please crop copy copy

‘WELCOME back!’ Ito ang bati ni Bossing DMB kay Direk Lino Cayetano nang lumapit sa amin at nakipagtsikahan pagkatapos ng presscon ng fantaseryeng Super D noong Martes ng gabi sa Dolphy Theater.

Pansamantala kasing nawala sa showbiz si Direk Lino nang magsilbi siya bilang kongresista sa 2nd District ng Taguig City, hanggang sa nakapag-asawa at ngayon ay may isa nang anak na lalaki at on the family way ang misis niya para sa ikalawa nilang baby.

Unang tanong ni Bossing DMB kay Direk Lino, ‘Balik-showbiz ka, hindi ka na ba uli tatakbo?’

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Hindi na, dito dito na lang ako,” napangiting sagot ni Direk Lino. “Masaya rito kasi buhay na buhay ngayon ang industry. We’re so blessed (kasi upbeat ang entertainment industry at may offers siya).”

Natatatawang kuwento pa ni Direk Lino, “Nagugulat nga ako kasi dati ang tawag sa akin, young director Lino Cayetano, ngayon ano na lang, Direk Lino Cayetano na lang, nawala na ‘yung young.

“Pero nakakatuwa when we have meetings, nakakasalubong ko ‘yung mga bagong direktor, we’re so blessed to live in a time na ang daming shows, ‘yung industriya nagbibigay ng napakaraming trabaho.

“A lot of of jobs for writers, jobs for cinematographers and sa totoo lang, paganda nang paganda ‘yung shows that we make, standards that we make. 

“Hindi naman sa mas maganda ‘yung ngayon kaysa dati, but the standard technically, the storytelling, ito na rin ang hanap ng audience. We’re always trying to make something different.

“Napansin ko ‘yun nu’ng Tayong Dalawa (serye nina Gerald Anderson at Kim Chiu), parang wow, magba-Baguio sa PMA (location). Nag-iiba na rin ‘yung content ng soap. ‘Di ba dati ito lang ‘yung family (set-up).

“Hindi ako kasama sa soap, sina Direk Ruel (Bayani), fan ako ng show na ‘yun kasi nakita ko na ‘yung telenovela puwedeng bumukas,” pagbabalik-tanaw ni Direk Lino.

Oo nga naman, bagets na bagets pa si Direk Lino noong una namin siyang nakatsikahan sa unang reality show ng GMA-7 na Starstruck, taong 2004, at simula noon ay namayagpag na ang pangalan niya.

At hindi nagtagal, na-pirate siya ng ABS-CBN at eventually ay naging parte ng creative team ni Deo Endrinal bago pa man naging Dreamscape Entertainment ang kanilang business unit.

Nagkasunud-sunod din ang pagdidirek niya ng soap drama.

“Buhay na buhay (ang entertainment TV). And I think there’s a responsibility na hindi mapabayaan ang industriya ng pelikula dahil iba pa rin ‘yung nabibigay nu’n bilang artista. Kapag gumawa ka ng pelikula, iba kaysa kapag gumawa ka ng soap. And one need each other to survive kasi ‘yung taas ng sining sa pelikula, iba rin sa telenovela.

“Iba ‘yung disiplina ng telenovela, iba sa pelikula, kailangan mo ‘yung dalawa na buhay para magkatulong. Kasi kaming mga telenovela (directors), tumitingin kami sa mga pelikula, so kailangan mo pareho. Hindi puwedeng puro foreign (films) lang ang pinapanood natin.

“So everytime na there’s a new production, nakakatuwa, there’s a new team, ang dami nang gumagawa ng telenovela,” paliwanag ni Direk Lino.

Taong 2007 nang idirehe niya ang launching movie nina Gerald Anderson at Kim Chiu na I’ve Fallen For You under Star Cinema. Hindi na raw nasundan ang pagdidirek niya ng pelikula dahil natali na siya sa creative team ni Deo Endrinal.

“Tuluy-tuloy ‘yung telenovela and blessing ‘yun for me and hindi ko hinanap na tumigil para magpelikula,” pahayag ng isa sa direktor ng Super D ni Dominic Ochoa.

Ang huling serye ni Direk Lino bago siya tumalon sa Kongreso ay ang Aryana (2012). Isa rin siya sa mga direktor ng Noah (2010), Tanging Yaman (2010), at Kung Ako’y Iiwan Mo (2012) na ipinalit sa Angelito ni JM de Guzman.

(REGGEE BONOAN)