Nagkabulagaan sa isang intersection ang dalawang sasakyan sa Pasay City kahapon ng madaling araw, at 12 katao ang naiulat na sugatan.

Isinugod sa Pasay City General Hospital (PCGH) sina Valerie Dacumos, Annalyn Capillo at Visitacion Bohol, pawang sakay sa Isuzu Van (ZRT-960); Therese Gumayan, Romar Hapa, Carlos Miguel Sabarre, Marjorie Rozol, Joseph Gamit, Rolemar Hapa, Laurence Opio III, Rading Placer, at John Mike Placer, na lulan naman sa Mitsubishi Adventure (AAQ-6099).

Sa pagsisiyasat ni Pasay Traffic Department Chief Senior Insp. Wilfredo Sangel, dakong 5:00 ng umaga nang magsalpukan ang Isuzu van at Mitsubishi Adventure sa intersection ng J.W Diokno Boulevard at Seaside Boulevard.

Minamaneho ni Fernan Basiardo Antoque, 27, ang van sa Seaside Boulevard nang tiyempong tumatawid ang Adventure, na minamaneho ni John Michael Hapa Placer, 21, sa J.W. Diokno Boulevard, dahilan upang mawala sa kontrol at hindi na nagawa pang magpreno ni Antoque.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sumalpok ang van sa bakal na poste ng traffic light habang bumangga sa bakal na signage ang Adventure, ayon sa imbestigasyon.

Mabilis na rumesponde ang Pasay Rescue team na nagdala sa mga biktima sa nabanggit na pagamutan.

Iniimbestigahan ng awtoridad kung alin sa dalawang sasakyan ang responsable sa insidente. (Bella Gamotea)