Malaking bentahe sa kandidatura ni Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña Jr. ang pag-endorso sa kanya ng mga leader ng anim na exclusive subdivision sa lungsod, na isinisigaw ang nais na pagbabago sa lungsod.

Suportado si Peña ng mga leader ng mga home owners association ng Bel Air, Urdaneta, Forbes Park, Magallanes, San Lorenzo, at Dasmariñas Village sa ginawang pulong sa Makati Sports Club sa Salcedo Village.

Sinang-ayunan ng mga leader ang inilahad ni Peña sa kanyang 10-point agenda, kabilang ang “transparency”, pagsugpo sa katiwalian, maibsan ang kahirapan ng mga residente sa siyudad, disenteng pabahay sa maralita, paglikha ng maraming trabaho, de-kalidad na edukasyon, higit na pagpapatupad ng modernisasyon sa siyudad, at “equitable distribution of wealth”, kasama na ang pagre-regular sa mga matatagal nang kawani ng pamahalaang lungsod.

Noong Lunes, nanumpa kay Peña ang 77 casual employee, kabilang ang mga street sweeper, bilang regular na kawani ng pamahalaang lungsod, kasunod ng panunumpa ng 67 tauhan ng Public Safety Department (PSD) para sa promotion sa regular status ng mga ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nabatid na pinagtibay noong Pebrero 1 ang regular status ng 144 na casual employee na nagserbisyo ng mahigit 20 taon sa siyudad. (Bella Gamotea)