Umangat si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman at ngayo’y senatorial bet Francis Tolentino sa survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa matapos ang vice presidential debate nitong nakaraang Linggo.

Sa naturang survey, nakakuha si Tolentino ng 24 na puntos para umangat sa ika-14, mula sa 23 porsiyento na kanyang nakuha nitong Marso.

Ayon sa SWS, si Tolentino ang isa sa mga kandidato na posibleng makapasok sa huling walong puwesto ng “Magic 12” sa senatorial race.

“Nais kong pasalamatan ang mga botante sa kanilang suporta. Ang pagtaas ko sa survey ay patunay lamang na patok sa mga botante ang aking plataporma sa good and responsive governance,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Habang halos isang buwan na lamang ang natitira bago ang eleksiyon, sinabi ni Tolentino na mas inspirado siyang makahalubilo ang mga botante sa iba’t ibang panig ng bansa.

Matatandaan na inendorso ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na ngayo’y No.1 sa iba’t ibang presidential survey, si Tolentino sa pagkasenador. (Robert Requintina)