FA-SsangYongRodius-040116 copy

NASUBUKAN n’yo na bang sumakay sa Uber o Grab taxi?

Noong una kong maranasan ang pagsakay sa dalawang pinakamalalaking app-based taxi service na ito, laking gulat ko sa kumbinyenteng dulot nito sa pasahero.

Bagamat mas mahal ang fare rate kumpara sa regular na taxi service, maituturing na ligtas, kumportable at sosyal ang dating.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa pamamagitan ng cell phone o tablet, madaling tumawag ng mga app-based taxi at mamo-monitor n’yo pa ang ruta nito at oras ng dating sa inyong kinaroroonan.

Sa panig ng driver at operator, marami na rin ang tumatangkilik sa Uber at Grab dahil sa dumaraming regular na tumatangkilik dito, lalo na sa Metro Manila.

Sa pagpasok ng Ssangyong Berjaya Motors Philippines (SBMP), inaasahang mas magiging patok ang app-based taxi dahil mayroon itong bagong modelo na tinaguriang “Rodius,” isang multi-purpose vehicle na kayang magsakay ng hanggang 11 katao.

Maluwag ang espasyo, praktikal gamitin, at matibay. Ito ang mga katangian ng 2016 Ssangyong Rodius na tiyak na tatangkilikin ng mga motoristang Pinoy, ayon kay SBMP Managing Director Dave Macasadia.

Marami rin ang nabighani sa magandang istilo ng naturang Korean-made shuttle na naging tampok sa Manila International Auto Show (MIAS) na dinagsa ng libu-libong car enthusiast nitong nakaraang linggo sa World Trade Center sa Pasay City.

Kargado ng 2.0 liter turbocharged direct injection diesel engine, malakas ang hatak ng Rodius kumpara sa ibang MPV dahil ito ay may maximum power na 155ps at 360Nm ng maximum torque.

Masarap ang sakay dahil ito ay may double-wishbone front suspension at multi-link rear suspension.

Kung pampamilya ang gamit, mayroon ding Rodius 9-seater at 7-seater na mas malaki ang cargo space na may All-Wheel-Drive system.

Ang presyo ng Rodius ay itinakda sa P1,290,000 para sa 2.0L SX 6-speed manual transmission (11-seater); P1,490,000 para sa 2.0L EX 5-speed (9-seater); at 2.0L ELX All-Wheel-Drive (P1,590,000). (ARIS R. ILAGAN)