Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hindi magagamit sa pandaraya ang 700,000 balota, na idineklarang “spoiled” ng printing committee ng poll body.

Ayon kay Atty. Genevieve Guevarra, pinuno ng Comelec printing committee, idineklarang depektibo ang mga balota matapos magkamali ng gupit.

Wala naman silang nakikitang masyadong problema rito, binigyang-diin na kinu-quarantine ang mga depektibong balota at minamarkahan upang matiyak na hindi na magagamit.

“As of now, ayaw ko muna siya ilabas ng National Printing Office (NPO) kasi ayaw ko po na ma-dispose siya na ‘di namin alam kung saan siya mapupunta. As a security measure, hindi na muna namin idi-dispose yung spoiled ballots even if we have cut them and shred them or invalidated them by putting a vertical line or line sa timing marks,’’ ani Guevarra.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpapa-reprint na ang Comelec ng mga balota bilang kapalit ng spoiled ballots.

Kamakailan ay iniulat ng Comelec na natapos na nila ang pag-iimprenta ng halos P57 milyong balota na gagamitin sa halalan sa Mayo 9.

Inaasahan na matatapos ng poll body ang verification ng mga balota sa Abril 18.

Isinasailalim sa verification process ang mga naimprentang balota upang matiyak na tatanggapin ang mga ito ng vote counting machines. (Mary Ann Santiago)