Binatikos ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa plano nitong bawiin ang kasong sinampa ng Pilipinas laban sa China dahil sa pananakop ng huli sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapos aminin ni Duterte na hindi ito pabor sa kasong isinampa ng pamahalaan sa United Nations Arbitral Tribunal upang malaman sa paraang legal kung makatarungan ang pananakop ng China sa malaking bahagi ng WPS.

“I have a similar position as China’s. I don’t believe in solving the conflict through an international tribunal.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

China has said it will not abide by whatever that tribunal’s decision will be. That’s the same case with me, especially if the ruling will be against the Philippines,” pahayag ni Roxas.

“Ganoon ba ang uri ng pamumuno na dadalhin mo sa ating bansa? Suntukan at barilan, ‘yan ba ang sagot mo sa lahat ng suliranin ng ating bansa at ng ating mga kababayan?” sagot ni Roxas kay Duterte. “Ang pagiging commander-in-chief ay isang mabigat na tungkulin. Hindi isinusubo sa alanganin ang ating mga tropa basta-basta lamang, o dahil lamang sa mga salitang pasiga-siga. Buhay ang nakataya dito!” dagdag ni Roxas.

Umani ng suporta ang hakbang ng Pilipinas mula sa buong mundo sa desisyon nitong dalhin sa korte ang sigalot sa China upang maiwasan ang tensiyon. Kamakailan ay nagpahayag ng suporta ang mga foreign ministers ng mga bansang miyembro ng G7 sa mapayapang paraan na pinili ng pamahalaan para ayusin ang problemang ito, at sinabing hindi militarisasyon ang solusyon sa isyu. (Beth Camia)