Laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

(Sudden Death Game 5)

3 n.h. -- Phoenix-FEU vs Cafe France

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Matira ang matibay.

Tulad ng inaasahan, umaatikabong aksiyon ang magtatapos sa serye sa pagitan ng Café France at Phoenix-FEU sa pagtikada ng do-or-die Game 5 para sa Aspirants Cup title ngayon sa Ynares Sports Arena.

Walang liyamado at dehado, ang maunang kumurap ang mabibigo sa duwelo ganap na 3:00 ng hapon.

“Iba na ito. Wala nang bukas, kaya patibayan na,” pahayag ni Paul Zamar, naging bayani sa ratsada ng Café France sa Game 4 na nagpuwersa sa serye sa sudden death.

Ngunit bukod kay Zamar, sasandigan din ng Bakers para sa asam na back- to- back title sina Carl Bryan Cruz at ang mga CEU mainstays na sina Rod Ebondo, Aaron Jeruta, Mon Abundo at Samboy de leon.

Sa kampo naman ng Accelerators,sinabi ni coach Eric Gonzales na kailangang manatili silang focus sa kanilang target.

“Marami kaming crucial errors lalo dun sa final stretch.Kailangan i- remind iyong mga bata na mag focus lang sa laro,” ani Gonzales.

Muli, umaasa si Gonzales na mangunguna para bumawi sa huling pagkatalo nila sina Conference MVP Mac Belo, Mike Tolomia, Reymar Jose, Richard at Russel Escoto, Yutien Andrada, Achie Iñigo at Francis Tamsi.

Hataw si Zamar sa 25 puntos, tampok ang three-point play sa krusyal na sandal para gabayang ang Bakers sa Game 4.

“They showed character. They really want to win this game,” pahayag ni Macaraya.

Tinanghal na MVP si Mac Belo ng Phoenix, kumana ng 24 puntos at 15 rebound.

Iskor:

Café France (100) — Zamar 25, Ebondo 18, Cruz 17, De Leon 15, Abundo 8, Jeruta 8, Casino 3, Villahermosa 3, Manlangit 2, Opiso 1, Celso 0, Arim 0.

Phoenix-FEU (94) — Tolomia 29, Belo 24, Pogoy 14, Daquioag 9, Jose 6, Inigo 3, Mendoza 3, Andrada 2, Ru. Escoto 2, Ri. Escoto 2, Tamsi 0.

Quarterscores:

21-21; 47-44; 75-64; 100-94. (MARIVIC AWITAN)