Jarell Martin, DeAndre Jordan

AUBURN HILLS, Michigan (AP) — Malamya ang naging simula ni Dwyane Wade, ngunit nagawa niyang tumipa ng 14 puntos para sandigan ang Miami Heat kontra Detroit Pistons, 99-93, Martes ng gabi (Miyerkules sa Manila).

Nakopo ng Miami ang Southeast Division title, gayundin ang home-court advantage sa first round playoffs bilang No.3 team sa Eastern Conference.

Bagsak ang Pistons sa No. 8 seed at haharapin ang top-seeded Cleveland Cavaliers.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

RAPTORS 122, 76ERS 98

Sa Toronto, hataw si rookie Norman Powell sa 18 puntos, habang tumipa si Jonas Valanciunas ng 17 puntos at 11 rebound sa panalo ng Raptors kontra Philadelphia.

Nanguna si Valanciunas sa Toronto ngayong season tangan ang 22 double-double performance.

Makakaharap ng No.2 seed na Raptors sa playoff ang Indiana Pacers, nagwagi kontra New York Knicks.

PACERS 102, KNICKS 90

Sa Indianapolis, kumana sina Paul George at George Hill ng tig-19 puntos sa panalo ng Pacers laban sa New York Knicks.

Tangan ng Pacers ang 44-37 marka, habang sibak na sa playoff ang Knicks (32-50).

Nanguna sa Knicks si Derrick Williams na may 21 puntos.

SPURS 102, THUNDER 98 (OT)

Sa Antonio, pinangunahan ni Kawhi Leonard sa naiskor na 26 puntos ang matikas na pagbalikwas ng Spurs para ungusan ang Oklahoma City Thunder sa overtime.

Tinapos ng Spurs ang season na may 40-1 marka sa home game, sapat para pantayan ang NBA record ng Boston Celtics (1985-86).

Sumabak ang Thunder na wala sina star player Kevin Durant, Russell Westbrook at Serge Ibaka na binigyan ng day off ni coach Billy Donovan.

CLIPPERS 110, GRIZZLIES 84

Sa Los Angeles, kumana si Chris Paul ng 12 puntos at 13 assist sa panalo ng Clippers kontra Memphis Grizzlies.