Ipagpapatuloy ng MVP National Juniors Badminton Championship ang paghahanap ng mga susunod na mahuhusay na atleta ng bansa sa pagbubukas ng isang buong taong torneo na magsisimula sa Luzon Leg sa Abril 20-24 sa Excel Badminton Center at Lazatin Blvd sa San Fernando, Pampanga.

Nagsisimula na ang online registration sa www.mvpnationaljrs.com kung saan ang deadline ay itinakda sa Abril 15, ayon kay Yoly T. Araullo ng nag-oorganisang Forthright Events & Sports Management.

Ipinaalam ni Smart Sports’ Christopher Quimpo na ang torneo ay parte ng programa ng MVP Sports Foundation na nagnanais na mahanap sa kanayunan ang mga potensiyal na atleta na makasama sa national team sa magrerepresenta sa bansa sa mga darating na international competition.

“This is part of the MVP Sports Foundation in helping strengthen the grassroots development program in badminton,” sambit ni Quimpo.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang torneo, mas kilala noong bilang Sun Cellular National Juniors Badminton tournament, ay dalawang taon nang isinasagawa at nakatulong sa mga kabataan sa bansa na mabigyan ng lugar upang maipakita ang kanilang talento.

“We’re here to keep searching for those players we hope will be the future of the sport,” sabi ni Quimpo.

Ang MVP National Juniors Championships ay ipinipresinta ng Smart Communications, sa pagtataguyod ng MVP Sports Foundation, Robinsons Starmills Pampanga, Balipure, Unilever at Forthright Events. ( Angie Oredo)