NAYPYIDAW (AFP) – Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Myanmar nitong Miyerkules, na naramdaman hanggang sa katabing Bangladesh kung saan marami ang iniulat na nasaktan sa mga stampede at nasira ang ilang gusali.

Ang lindol na may lalim na 134 na kilometro, ay tumama may 400 kilometro sa hilagang kanluran ng Naypyidaw, ang kabisera ng Myanmar, ayon sa US Geological Survey (USGS), at naramdaman din sa ilang bahagi ng India at China.

Walang iniulat na namatay, gayunman mahirap ang komunikasyon sa mga tinamaang rehiyon.

“There may be some destruction and damage. But it’s difficult to know the (extent) of destruction at nighttime,” sabi ni Cho Cho Win, mambabatas sa Saigon region, may 100 kilometro mula sa sentro ng pagyanig.

Internasyonal

Pamilya ng Pinay na pinaslang umano ng foreigner na asawa nito, nanawagan sa gobyerno