WASHINGTON (AFP) – Nadiskubre ng professional hackers ang isang butas sa software na nakatulong sa FBI na mapasok ang iPhone na ginamit ng isang San Bernardino attacker, iniulat ng Washington Post nitong Martes.

Binayaran ang mga hacker ng one-time flat fee para sa kanilang tulong, ayon sa Post, sinipi ang ilang tao na pamilyar sa kaso.

Ginamit ang natuklasang butas upang makabuo ng hardware na nakatulong sa US authorities na maiwasan ang four-digit personal identification number ng iPhone nang hindi ina-activate ang feature na magbubura sa lahat ng data sa telepono, ulat ng Post.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina