Bukod sa liksi, bilis, at ugaling palaban, puso pa rin ang magdidikta sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa Manila Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo.

Laban sa mas matatangkad at magagaling na kalaban, kabilang ang ilang NBA star, tiyak na makakasabay ang Gilas dahil sa marubdob na hangarin na mabigyan ng kasiyahan at karangalan ang bayan.

Nakatakda ang QQT sa Hulyo 5-10 sa MOA Arena.

Kasama ng Gilas sa Manila QQT ang France at New Zealand, Senegal, at Canada.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Kung ang kalaban 6-8 , 6-6 ang average height, ang Gilas walang average height, nasa puso ang average ng Gilas,” pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios.

Ayon kay Barrios ilang beses ng napatunayan at marami na ang pinahanga ng magiting na “puso” na taglay ng ating mga manlalaro.

Kaya naman, umaasa si Manny Pangilinan na maibibigay ng sambayanan ang kailangang suporta ng Gilas. (Marivic Awitan)