Ginapi ng Far Eastern University Tamaraws ang University of Santo Tomas Tigers, 25-23, 25-22, 25-18, kahapon para bigyan-buhay ang kampanya sa playoff ng UAAP Season 78 men’s volleyball tournament sa San Juan Arena.

Tangan ang 7-7 marka sa pagtatapos ng double-round elimination, sisinghap-singhap ang pag-asa ng Morayta-based spikers na kailangang magdasal na makapanalo ang Adamson laban sa University of the Philippines para makahirit ng playoff sa No.4 spot.

Nanguna si Jeric Gagutan sa FEU sa naiskor na 14 puntos, habang tumipa si Jude Garcia ng 10 marker.

Kumana naman sa UST, No. 2 seed sa playoff, sina Manuel Medina at Patrick Balse na kapwa may walong puntos.

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon