Tinawag na sinungaling ng isang dating opisyal ng Philippine Commission on Good Government (PCGG) si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos nitong sabihin na ang pamahalaan ang siyang ayaw magbayad ng kompensasyon sa human rights victims noong panahon ng martial law.

Sa isang pahayag na ipinaskil sa kanyang Facebook account, nilinaw ni dating PCGG Chairman Ruben Carranza na ang pamilya Marcos ang siyang tumangging magbayad sa mga biktima ng human rights. Sa katunayan, aniya, hindi pa rin nababayaran ng pamilya Marcos ang $2 billion sa 10,000 biktima kaya hiniling ng gobyerno sa US Court of Appeals for Ninth Circuit na patawan ng kasong contempt ang senador at kanyang ina na si Imelda Romualdez Marcos.

Dahil umano sa contempt, hindi ngayon makatuntong sa Amerika ang pamilya Marcos.

“Marcos fact: Ferdinand Marcos Jr. and family can’t set foot on US soil because they refuse to pay the $2 billion judgment against them won by 10,000 victims of human rights violations during the Marcos dictatorship. They were cited in contempt by a US court. They were ordered to pay a fine of $100,000 per day for the 10 years between 1995-2005 - and counting - that they refused to pay that judgment. And they must still pay the $2B judgment itself,” ayon kay Carranza na isa sa dating humawak ng litigation case sa ill gotten wealth ng mga Marcos.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinabi pa ng dating PCGG official, malinaw sa naging desisyon ng US na nasa $300,000 lamang ang legal income ng pamilya Marcos at kung lalagpas dito ang kanilang mga kinikita ay malinaw na galing na sa ill gotten wealth ang perang ito kaya naman ang kinukuwestiyon ngayon ang malaking gastos sa kampanya ng senador na bahagi umano ng nakaw na yaman. (Bella Gamotea)