Binanggit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Martes ang pangangailangan na palakasin ng gobyerno ang presensiya at jurisdiction nito sa Benham Rise, ang bagong teritoryo ng bansa na mayaman sa marine biodiversity at mineral resources.

Upang lubos na mapakinabangan ang malaking potensyal ng saganang isda mula sa Benham Rise, sinabi ni BFAR director Asis Perez na dapat magkaroon ng aktwal na presensiya sa lugar upang mahikayat ang maliliit na mangingisda na galugarin ang malawak ngunit hindi pa gaanong nadidiskubreng fishing ground.

“Without the government’s support, the small and medium-scale fishermen will be afraid to explore the area,” sabi ni Perez, idinagdag na mahalaga ang effective possession, control, at proper utilization ng resources.

Mas malaki kaysa isla ng Luzon, ang Benham Rise ay isang 13-milyong ektaryang rehiyon ng karagatan, sa dulo ng mga lalawigan ng Aurora at Isabela. Ang pinakamababaw na parte ng rehiyon ay ang Benham Bank, na may lalim na halos 50 metro.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Kinumpirma ng United Nations na bahagi ito ng teritoryo ng Pilipinas noong Abril 12, 2012.

Ang lugar ay mayaman sa marine biodiversity at tahanan ng mamahaling isda gaya ng blue-fin tuna at black and white marlin. Sagana rin ito sa round scad o galunggong.

Binanggit ni Perez ang 3-year fishing survey na pinangunahan ng BFAR na nagbunyag na pinamakarami sa lugar ang albacore at big eye tuna. (PNA)