IPINAGDIRIWANG ng Philippine Red Cross (PRC), ang pangunahing humanitarian organization ng bansa at isa sa pinakamatatatag na Red Cross Societies sa mundo, ang 69 na taon ng pagkakaloob ng ginhawa, rehabilitasyon, pagliligtas, at pangangalaga sa mga pinakanangangailangan, hindi lang sa bansa, kundi maging iba pang bansa na sinalanta ng kalamidad, ang huli ay noong 2015, matapos yanigin ng malakas na lindol ang Nepal.

Marso 29, 1947 nang tumanggap si Gng. Aurora Aragon Quezon, ang unang pinuno ng PRC, ng mensahe mula sa Geneva na nagsasabing kinilala na ng International Committee of the Red Cross ang PRC. Pormal na pinasinayaan ang PRC noong Abril 15, 1947, sa isang magarbong seremonya sa Palasyo ng Malacanang.

May temang “PRC: Preferred Partner of Choice”, ang selebrasyon ng anibersaryo ngayong taon ay kasabay ng dalawang-araw na 31st Biennial National Convention ng ahensiya sa Abril 14-15, 2016, sa PRC Warehouse and Multi-purpose Center sa Mandaluyong City. Titipunin ng kombensiyon ang mga administrador, mga miyembro ng Board of Directors, mga empleyado at mga volunteer mula sa 92 sa 102 pambansang sangay ng PRC. Ihahalal sa kombensiyon ang isang bagong policy-making body.

Sa nakalipas na dalawang taon, pinaninindigan ng PRC ang equation na: Volunteers + Logistics + Information Technology = a Red Cross that is Always First, Always Ready, Always There. Binuo ni PRC Chairman Richard J. Gordon, hangad ng equation na ito na matiyak na nagagawa ng PRC ang mandato nito na pawiin ang pagdurusa ng sangkatauhan, partikular na sa mga nangangailangan ng tulong.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mayroong kagamitan at mga sasakyan ang PRC upang matiyak na makapagbibigay ito ng pinakaepektibong pagtugon sa mga kalamidad at sakuna. Batay sa naging karanasan nito noong bagyong ‘Yolanda’, ipinatupad ng PRC ang estratehiya ng “build-back better” sa pagkakaloob ng ayuda sa mga komunidad na sinalanta ng bagyo upang maging laging handa ang mga ito.

Ang PRC ay kasapi ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRCRC), at ng International Red Cross and Red Crescent Movement (IRCRCM). Kabilang sa mga pangunahing programa nito ang: Blood Services, Disaster Management, Safety Services, Community Health at Nursing, Social Services at Volunteer Service. Sinasalamin ng lahat ng serbisyo nito ang mga pangunahing prinsipyo ng sangkatauhan, pagiging patas, kalayaan, serbisyong boluntaryo, at pagkakaisa, at universality, na gumagabay at nagsisilbing inspirasyon sa mga opisyal, kawani, at volunteer nito sa pagpapatupad ng kanilang misyon.

Pinagtitibay ng Republic Act 10072, o ang Philippine Red Cross Act of 2009, ang pagtalima ng Pilipinas sa Geneva Conventions of 1949 at sa Statutes of the IRCRCM. Kinikilala nito ang PRC bilang isang voluntary, independent, at autonomous non-governmental society na nagsusulong kawanggawa. Alinsunod sa RA 10072, binago ang pangalan ng organisasyon mula sa Philippine National Red Cross at ginawang Philippine Red Cross.

Binabati natin ang administrasyon, mga empleyado at mga volunteer ng Philippine Red Cross, sa pangunguna ng Chairman nito na si Richard J. Gordon, sa pagdiriwang nila ng ika-69 na anibersaryo ng pagkakatatag at sa kanilang 31st Biennial National Convention. Nawa’y manatil ito bilang aktibong katuwang ng iba pang ahensiya at organisasyon sa pagkakaloob ng serbisyong pangkawanggawa sa mga Pilipino.