BONGGA ang nakalaang musical entertainment para sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta na gaganapin sa ika-14 hanggang ika-16 ng Abril.

Sina Luke Mejares, DJ Tom Taus, Calla Lily, Acel Van Ommen, Papa Jack, Tanya Chinita, at ang Banda ni Kleggy ang tampok na panauhing performers sa Aliwan Musica Jam sa Abril 14.

Co-host naman ng Reyna ng Aliwan pageant sa Abril 15 ang dating Miss Earth na si Jamie HerrelL. Magtatanghal din sina Paolo Valenciano at Alex Medina.

At sa Sabado, Abril 16, tampok sa opening number ng awarding ceremonies sina Abra, Kris Lawrence, at ang mga nagwagi sa Bet ng Bayan na sina Hannah Precillas at Kai Atienza, at magiging host naman sina Chris Tsuper at Nicole Hyala.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Natatanging panauhin din sina Ronnie Liang at ang Aegis Band.

Sinarhan simula kahapon (Miyerkules) ang Sotto Street sa CCP Complez. Sa Sabado, ang southbound lane ng Roxas Boulevard, mula Manila Hotel sa A. Bonifacio hanggang Vito Cruz, ay sarado sa trapiko simula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi para sa Aliwan parade. Maghanap po ng ibang daraanan.

Ang Aliwan Fiesta 2016 ay handog ng Manila Broadcasting Company at Star City, sa pakikipagtulungan ng Cultural Center of the Philippines at ng mga lungsod ng Maynila at Pasay. Nasa ika-14 na taon na ngayon, ang Aliwan Fiesta ay suportado ng Globe Telecom, Tanduay, Alaska, Coca-cola, Pride Detergent, Unique Toothpaste, Shield Bath Soap.,

Columbia Candies, Cherry Mobile, Fukuda, AICS, GES Led Lights, Bayview Park Hotel, Robinsons Place Ermita, at Hotel Jen.